Pagtulong ang Ngalan
Sa tampok nating kwento ngayon, tayo’y minumulat o pinaaalalahanan na sa paglilingkod sa bayan kinakailangan ang matinding pagyakap sa serbisyo-publiko kung saan prayoridad ang kapakanan at pangangailangan ng mamamayan. Sa mga pagpapasyang gagawin, inuuna at isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat kasya personal o pampulitikang kapakinabangan.
Sa ganitong paraan, maibibigay sa taumbayan at malalasap nila ang nararapat na serbisyo para sa kanila at maiaaangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Kaya naman mga proyektong tutugon sa pangangailangan ng mga tao ang binigyang-tuon ni Mayor Julio “Rammy” Parayno III, ang alkalde ng lungsod ng Urdaneta.
Pinasinayaan niya ang pagtatayo ng mga health center sa bawat barangay ng lungsod upang mapagtibay, matutukan, at makatugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.
Bukod dito, sa bawat barangay ay nagpatayo rin siya ng Senior Citizen Center na nagagamit upang pagdausan ng mga pagpupulong o mga okasyon na nakatuon sa naturang sektor. Sinisiguro ng mga naipatayong pasilidad na ito ang kaligtasan at kapakanan ng katandaan ng bayan.
Para naman sa kabataan, sinikap ng alkade ng lungsod na makapagtatag ng mga basketball court upang may pasilidad para sa mga pampalakasang aktibidad o sports at panlibangan upang ilayo rin sila sa mga mapanganib na gawain katulad ng pagbabasag-ulo o pagra-riot o di kaya’y pagkasangkot sa ipinagbabawal na gamot. Nagagamit rin ang mga ito ng mga mamamayan bilang lugar upang makapag-ehersisyo.
Para sa pamilya, itinadhana niya para maging pasyalan at maging dausan ng mga recreational activities ng mga pamilya ang inilunsad People’s Park. Nakapagbigay rin ito ng lugar at espasyo para outdoor activities na anyo ng bonding sa mga magkakaanak.
Para sa kalikasan, pinalinis niya daluyan ng mga ilog na nagiging sanhi ng mga pagbaha sa mga lugar sa lungsod dahil sa mga nakaharang na mga basura at putol na puno sa daluyan nito. Sa pagsasaayos nito, hindi lang kalikasan ang napangalagaan kundi maging ang kaligtasan ng tao na nalalagay sa panganib sa tuwing aapaw ang tubig o bumabaha sa lugar.
“He who wishes to secure the good of others has already secured his own.” – Confucius (Siya na nagnanais na matiyak ang kabutihan ng iba ay nakatiyak na para sa kanyang sarili.)
Ang pag-una sa pangangailangan ng iba ay pagtugon na rin sa malalim na pangangailangan ng iyong sarili na makaramdam ng kapayapaan at kaganapan.★★★
Binhi ng Makataong Pamahalaan
Kapag napunlaan ang isang tao ng binhi ng pagbibigay at pagtulong, magsisimulang sumibol ito sa kanilang pagkatao, at kapag patuloy na nadiligan ng mabubuting gawa, lalago pa ito hanggang sa hindi na niya maiiwasan ang tulak na magbigay pa.
Aktibo at talaga namang kapaki-pakinabang ang mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Brgy. Canumay East sa pangunguna ni SK Chairman Myra Catibog. Bukod sa mga palarong pampalakasan at patimpalak, binigyang-tuon din nila ang mga akademikong gawain, nakikilahok sila sa mga school activities, nag-o-organisa ng mga teambuildings, at nagbibigay ng mga seminars na makakapagpalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral.
Pinasimulan din nila ang Computer Laboratory na mayroong internet connection at printing services na libreng nagagamit ng mga estudyante upang makapag-research at magakagawa ng kanilang assignments at school projects. Nagbukas sila ng pinto para sa mga mag-aaral na walang kakayahang magkapag-provide ng mga ganitong gadget na ginagamit sa kanilang pag-aaral. Sa interbensyon ng kanilang pamunuan, napagkalooban nila ng parehas at patas na oportunidad ang mga masisikap at masisipag na mag-aaral.
Nailunsad din ang programang SK Excellence Academy katuwang ang Keepers Club International (KCI) na nagbigay ng free music lessons sa kabataan na kalaunan ay magsasangay pa sa iba’t ibang proyekto sa larangan ng sports at leadership trainings na makatutulong sa paghubog sa talento at kakayahan ng kabataan.Binibigyang-tuon ng SK ng Canumay East ang mga ganitong programa sapagkat bukod sa talent and skills development, tinuturuan din ang kabataan dito ng patriotism at nagkakaroon pa ng values formation na malaking tulong sa paghubog ng kanilang pagkatao na magdadala sa kanila sa tamang landas. Ayon nga sa bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Canumay East, ang paghubog sa kabataan ay paghubog din sa hinaharap ng bansa.
Pinagtitibay nito na kung sinuman ang may puso sa paglilingkod, mapabata o matanda man, mararamdaman ng tao ang dalisay na malasakit, pantay at patas na pagtingin sa lahat, walang kinikilingan o pinapaboran bagkus nakikita ang pantay na halaga ng bawat isa, ang kakanyahan ng bawat tao; at higit sa lahat ay gumagawa ng paraan upang mapaliit ang puwang sa pagitan ng may kakayahan at kapuspalad. Isang katangian ng makataong pamamahala. ★★★
Captain Magmarale ng San Miguel
Tipikal na pulitiko ang tingin ng mga tao sa naupong Kapitan na si Edwin Cruz ng Brgy. Magmarale ng San Miguel, Bulacan. Sa kanyang unang termino inakala ng mga tao na katulad lang din siya ng mga nagdaang Kapitan na literal na umupo lang pero hindi naramdaman ang kanilang presensya. Subalit ipinakilala niya ang kanyang sarili at pinatunayan na mali ang unang impresyon ng kanyang nasasakupan dahil pagkaupong-pagkaupo ay nakitaaan agad siya ng gilas ng mga tao.
Mabilis na pagtugon. Noong manungkulan siya bilang punong-barangay, nagawa niyang mapaayos ang mahaba, malubak, at maputik na kalsada sa kanilang barangay. Sa hinaba-haba ng panahon na hindi ito nabigyan ng aksyon, nang maupo si Kapitan Edwin Cruz ay naiproseso ang pagsasaayos nito.
Action man. Dahil sa lagi siyang nakikita sa barangay, kumikilos at nangunguna sa mga gawain at programang pambarangay, tinagurian siyang “Action Man”. Aktibo siyang nakikilahok sa mga clean up drive, siya rin ang nanguna sa clearing operation noong daaanan ng bagyo ang Barangay Magmarale at pinataob ang ilang kapunuan na nagresulta sa pagkakalat sa mga kalsada. Marami ring establisyimento ang kanyang naipaayos at naipatayo na napakinabangan ng buong barangay tulad ng gymnasium at ang Barangay Hall.
Mapagkawanggawa. Higit niyang naiparamdam ang kanyang taos pusong pagse-serbisyo sa publiko noong dumating ang pandemya. Bagaman mapanganib sa kulusugan, hindi nanatili sa kanyang tahanan si Kapitan Edwin sa halip ay sinikap niyang maabot at matulungan ang kanyang mga ka-barangay. Inalaan niya ang badyet mula sa pamahalaan para sa ayuda sa bawat pamilya. Bukod sa natanggap mula sa gobyerno, naglabas din ang punong-barangay ng mula sa kanyang sariling bulsa upang maitulong sa mga hikaos at may sakit na mamamayan. Bunga naman nito, kusang-loob na nakikilahok ang mga pamilya sa mga gawaing barangay.
Mabuti ang loob. Bukal din ang kanyang pagtulong sa tao, may isang electrician at maintenance officer sa Magmarale na kabilang sa nabibigyan ng allowance bilang tauhan ng barangay subalit natigil sa pagta-trabaho matapos gupuin ng sakit gayunman, hindi tumigil ang pagtanggap nito ng tulong mula sa barangay bilang suporta sa pagpapagamot nito hanggang sa tuluyan na ring sumakabilang-buhay ang naturang trabahador, hanggang sa kahuli-hulihang sandali nito ay ipinaramdam ni Kapitan Edwin ng Bgry. Magmarale ang pagmamalasakit sa tauhan. Katunayan, ang pamilyang naiwan ay nakatatanggap pa rin ng tulong mula sa kapitan.
Makatao. Noong pumutok ang mga balita kung sino ang makalalaban niya sa susunod na halalan, yung mga taong nakatatanggap ng tulong mula sa barangay na malapit na kamag-anak ng umuugong na kakandidato para sa barangay election ay patuloy na nakatanggap ng tulong sa kabila ng malaking posibilidad na hindi siya ang iboboto nito. Subalit kung higit kang nakatuon sa pagtulong at hindi sa pamumulitika, madaling ikibit-balikat ang hindi pagsuporta sa iba ng mga tinutulungan mo tulad ni Kapitan Edwin.
Si Steve Rogers, ang human form ni Captain America, ay isang mahirap na ulila at sa kanyang anyo na tumitimbang lamang ng humigit-kumulang 98 lbs, sinong mag-aakala na ipagkakaloob sa kanya ang isang responsibilidad na magligtas sa taumbayan. Marahil marami ang magtatawa at hindi maniniwala, pero nagawa niya! Katulad ni Kapitan Edwin Cruz ng Brgy. Magmarale, marami ang walang tiwala, walang bilib, subalit sa huli, napatunayan niya sa mga tao na iba siya at may magagawa siya.
Hindi mo kailangan ng superpowers para makagawa ng pagbabago, ang kailangan mo ay willpower upang piliin at gawin ang tama. Sabi nga ni Bob Ong sa kanyang librong Kapitan Sino, “Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa mo.” ★★★
Hindi mo kailangan ng superpowers para makagawa ng pagbabago, ang kailangan mo ay willpower upang piliin at gawin ang tama. Sabi nga ni Bob Ong sa kanyang librong Kapitan Sino, “Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa mo.” ★★★